Suplay ng tubig sa MM lalakas sa Setyembre | Bandera

Suplay ng tubig sa MM lalakas sa Setyembre

Leifbilly Begas - August 28, 2019 - 09:58 PM

SA Setyembre ay makararanas na ng mas maayos na suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay National Water Resources Board executive director Sevillo David Jr., mula sa 36 cubic meter per second ay itataas ang suplay sa 40 cubic meter per second simula sa Setyembre 1.

“It’s still below the regular allocation [that the] MWSS [receives]. Our regular release is 46 cubic meters per second.”

Umakyat na sa 180 metrong minimum operating level ang Angat dam noong Lunes. Kahapon ito ay nasa 181.77 metro. Inaasahan na lalo pa itong tataas dahil sa pag-ulan.

Pero hindi pa umano masasabi na ligtas na ang Metro Manila sa problema sa suplay ng tubig ngayon.

“Doon po sa tanong na kung ‘we’re off the hook,’ sasabihin po natin, hindi pa ho kasi nasa minimum operating level pa lang ho tayo. Hindi pa ho ganun ka-comfortable ang level,” ani David.

Sinabi ni David na hindi maaaring aksayahan ang tubig sa dam upang maiwasan na maulit ang water crisis.

“Kailangan nating i-manage yung supply in such a way na hanggang next year po ma-secure natin yung supply ng tubig na nanggagaling sa Angat,” saad pa ni David.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending