Yasmien Kurdi: Priority ko pa rin ang asawa’t anak ko

REY SOLDEVILLA JR. AT YASMIEN KURDI

PINAPALAKPAKAN si Yasmien Kurdi ng asawang si Rey Soldevilla at anak na si Ayesha Zara kapag napapanood nila ang teaser ng upcoming Kapuso series na Beautiful Justice.

Sa pahayag ni Yasmien sa grand launch ng series na magsisimula na ngayong September, girl power daw ang dating sa kanya ng anak dahil bumabaril na ay nakikipagbanatan pa sa mga lalaki!

Pati ang kanyang asawa ay bilib na bilib sa paandar ng Kapuso actress nang mapanood niya ang teaser kamakailan.

“Very supportive si hubby. He’s very happy and excted sa gagawin kong ne concept naman for me at ‘yung show,” saad ni Yasmien.

Sey daw ng kanyang anak, “She’s very happy for me to do this role kasi girl power,” sey pa ng StarStruck 1 first princess.

Ipinagmamalaki ni Yas ang kanyang napag-aralang training para sa programa kabilang na ang paghawak ng baril, paggawa ng stunts at action scenes.

For this action-drama series, makikipagsanib-puwersa si Yasmien sa dalawa pang Kapuso actress na sina Bea Binene at Gabbi Garcia. Makikipaglaban sila sa sindikato ng droga upang bigyan ng hustisya ang mga namatay nilang mahal sa buhay.

Pero kahit loaded na naman sa work, nananatili pa ring priority ni Yas ang pagiging ina at asawa.

Read more...