Bea dedma na kay Julia; walang paki sa ina ni Gerald

JULIA BARRETTO AT BEA ALONZO

PURO papuri ang tinatanggap ngayon ni Bea Alonzo dahil sa kanyang pananahimik. Tao lang siyang nasasaktan sa mga sinasabi ng mga taong walang magawa sa buhay pero pinaiiral pa rin ng magandang aktres ang kanyang pinag-aralan.

Kahit sa mga salitang pinakawalan ng ina ni Gerald Anderson ay hindi kumikibo si Bea. Siguradong alam niya ang mga pinagsasabi ni Mrs. Evangeline Opsima pero hindi siya sumasagot, ganu’n daw talaga ang mga taong kilalang-kilala ang kanilang sarili, walang pakialam sa mga sinasabi ng iba.

Hindi naman kasi talaga masalita si Bea, sa mga interview lang siya naglalabas ng kanyang saloobin, pero para makipagtaltalan siya ay hinding-hindi niya ‘yun gagawin.

Kapuri-puri ang kanyang ginagawa. Una ay matanda na ang ina ni Gerald, sa edad na edad na lang ay hindi na talaga dapat makipag-argumento pa ang aktres, pagbibigay-galang ang tawag du’n sa isang may katandaan na.

Nakakatawa lang na ngayon na lang sinabi ng ina ni Gerald na ayaw nito kay Bea, samantalang nu’ng magkarelasyon pa ang dalawa ay pinakikitaan naman nito ng pagkagiliw ang girlfriend ng kanyang anak, sino ang lumalabas na katawa-tawa ngayon?

Alam na alam ni Bea Alonzo ang totoo, kaya sayang lang ang panahon niya kung idedepensa pa niya ang kanyang sarili, magsusulat na lang siya ng script dahil may mapapala pa siya.

Read more...