WALANG tumama sa P125.8 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 39-57-47-18-41-31.
Posibleng umabot sa P130 milyon ang jackpot prize sa bola ng Ultra Lotto sa Biyernes. Binobola rin ang Ultra lotto tuwing Linggo.
Nanalo naman ng tig-P146,640 ang pitong mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P3,660 naman ang 224 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 5,839 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga premyo na mahigit sa P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.