Paolo: Seloso ako kasi loyal ako at mabilis ma-fall!

PAOLO BALLESTEROS AT KEIRA CLAIRE

Inamin ni Paolo Ballesteros na matindi siyang magselos kapag may dyowa. “Seloso talaga ako. Loyal kasi ako e,” aniya sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Hindi na rin mabilang ng TV host-comedian kung ilan na ang taong minahal niya, “Too many to mention.

Kasi mabilis akong ma-fall.”

“Siguro dahil mabait (ako), hindi ako nagpipigil kung meron akong gustong tao. Ipapakita ko lahat, kasi iniisip ko paano kung biglang mawala,” aniya pa. Ito nga raw siguro ang dahilan kung bakit kadalasan at nasasaktan siya.

Ayon pa sa “The Panti Sisters” lead star hindi siya magimik na tao, pero hindi naman siya loner, “Ako I keep to myself. Sa bahay lang ako, tahimik. Pagkatapos ng trabaho, bahay,” ani Paolo.

Tungkol naman sa kanyang 10-year-old daughter na si Keira, mukhang may future rin daw ito sa showbiz, “E, di ayan napaka-arte rin. Gusto rin mag-artista. She’s very smart,” sabi ng ng comedian.

Siya rin ang nag-aayos kay Keira kapag may mga events ang bagets, “Kapag meron silang Linggo ng Wika, pagpasok niya ng school bonggang-bongga siya. Naka-false eye lashes na mahahaba.

Mine-make-apan ko, gustong-gusto naman niya.”

Showing na ang “The Panti Sisters” sa Sept. 13 bilang bahagi ng 3rd Pista Ng Pelikulang Pilipino mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP). This is directed by Jun Lana under IdeaFirst Company, Blacksheep at Star Cinema.

Read more...