Vice dedma sa tumatawag ng ‘user’ kay Ion: Basta happy lang kami, masaya lang tayo!

VICE GANDA AT ION PEREZ

“M.U.” o malabong usapan pa rin ang status ng relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez o mas kilala ng publiko bilang si Kuya Escort ng Showtime.

Pagkatapos kasing aminin ni Ion sa isang panayam na magkaibigan lang sila ni Vice ay muling nagpakilig ang rumored couple sa katatapos lang na Star Magic All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum.

Sweet na sweet with matching holding hands pa sina Vice ay Ion nang pumagitna sa hardcourt para sa basketball match. Magkasama ang dalawa sa Team Showtime.

Tilian at palakpakan din ang audience nang biglang tumakbo sa court si Vice para yakapin si Ion matapos itong maka-three points. Bukod dito, agaw-eksena rin ang pagho-holding hands ng dalawa habang nagdi-dribble ng bola si Vice. Umabot din ang pagpaparamdam ng pagmamahal nila sa isa’t isa sa kani-kanilang social media accounts.

Sa Instagram Story ng Unkabogable Star ay mapapanood ang video habang nag-eensayo si Ion. Maririnig si Vice sa background na nagsasabing ingatan ng tumutulong kay Ion sa stretching session ang binata dahil, “He’s just a baby.”

Nag-post naman sa kanyang IG account si Kuya Escort ng isang pares ng sapatos na ginamit niya sa paglalaro ng basketball sa All-Star Games kung saan kitang-kita ang pirma ni Vice.

Kung matatandaan, dinenay ni Ion na dyowa na niya si Vice, “Ano lang kami, sobrang malapit lang kami sa isa’t isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila… ganoon yung reaksiyon nila. Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa.”

Isang video naman ang kumalat sa social media kung saan na-interview si Vice kung saan natanong siyakung sino ang pinakamahusay na player sa Team Vice. Sagot ng TV host-comedian, “I think si Ion ang pinakamagaling. I heard si Ion ang pinakamagaling!”
Biro pa niya, “Kumuha pa kami ng coach from NBA to personally make tutok sa kanya. Magaling, magaling ‘yan. Tataya akong P1,500!”
Dito na naisingit ang tanong kung ano ang reaksyon niya sa mga namba-bash kay Ion matapos umaming friends lang sila. Tinawatag siya ngayong user at sinasamantala lang ang kabaitan ni Vice. Paiwas na sagot ng komedyante, “Ay, happy lang kami. Happy lang kami.” Sundot na tanong kung hindi ba niya sasagutin ang haters ng binata, “Basta sa happiness lang tayo.”

 

Read more...