Online shop nakakainit ng ulo

NAKAKA-INIT ng ulo ang Lazada. Napakatagal nilang kunin ang sirang telebisyon na binili para sa mga estudyante isang ng pampublikong paaralan sa Quezon City.
Noong Hulyo 30 pa for pick up ang sirang TV pero hanggang ngayong Agosto 27 ay hindi pa rin nakukuha ng kanilang courier.
Dapat tutukan ng pamunuan ng Lazada ang problemang ito sa kanilang serbisyo. Ipinagmamalaki nila na mabilis ang delivery, pero pagpalpak ang nabiling gamit ang tagal-tagal.
***
Kung anu-ano ang naiisip para labanan ang lamok. May nagpakawala ng mga palaka, may nagbibigay ng isang kilong bigas kapalit ng 200 lamok.
Maraming paraan para labanan ang lamok the natural way.
Noon usong-uso sa mga eskuwelahan ang pagtatanim. Ngayon konting eskuwelahan na lang ang nagpapa-project ng ganito dahil wala ng mataniman. Fruit-bearing tree kasi madalas ang ipinapadala sa mga estudyante noon para itanim.
Ngayong problema ang lamok at maraming estudyante ang nagka-dengue pwede sigurong ibalik ang proyektong ito. This time ang ipadala sa mga estudyante ay ang mga halaman na ayaw ng lamok. Ilagay lang sa paso.
Kailangan lang ituro muna sa mga estudyante kung ano ang mga halaman na ayaw ng lamok.
Hindi lang sa eskuwelahan mapakikinabangan ang kaalamang ito, madadala rin ng mga bata sa kanilang bahay lalo ngayon na hindi na uso ang kulambo.
Pwede ring turuan na rin ang mga bata ng mga halaman na gamot sa iba’t ibang sakit.
Kung may tanim sa mga paso, pitas na lang ng dahon ayos na.
May gamot namang binibili ang Department of Health para sa iba’t ibang sakit na pantulong sa mga walang pambili. Bilyon-bilyon ang inilalaan sa kanila ng Kongreso taon-taon.
Yun nga lang, nakatambak sa bodega ng DoH at hindi maipadala sa lugar kung saan ibibigay ang mga ito. Kaya sinita ng Commission on Audit. May mga expired at mage-expired na gamot, sayang.
Andami-daming nagkakasakit na hindi man lang nakainom ng gamot tapos masasayang lang ang gamot na binili gamit ang pera ng taumbayan.
Ang nakakapagtaka lang hindi naisip ng DoH kung paano ipadadala ang mga gamot bago nila binili.

Read more...