Aktres takot kay female celeb: Pina-private message niya BF ko

“Weird! Lagi niya kaming ini-stalk?” Ito ang bungad sa amin ng kilalang dramatic actress tungkol sa isang aktres din na itinuring niyang kaibigan pero hindi maganda ang ibinalik sa kanya.

Ang detalyadong kuwento sa amin ng source, “Nakakaloka na ‘te Regs, lahat ng post namin ng boyfriend ko, nila-like niya, tapos lahat ng IG stories namin pinapanood niya. Nakikita namin, eh.”

Sabi namin baka natutuwa lang dahil nga nagla-like since follower naman nila ang aktres kaya natural na pinanonood nito ang IG Stories nila.

“Nakakatakot na ‘te Regs kasi may mga ginawa na siya sa akin. Ayoko nang masundan pa rito sa huli,” katwiran ng dramatic actress.

Binanggit ng aming kausap na aktres kung anu-ano ang mga ginagawa ng dati niyang kaibigang aktres at nagulat kami dahil consistent pala, okay lang kung isang beses lang ginawa, may pangalawa at pangatlo pa kaya ano na nga ba ang tawag doon?

“Bakit ba hindi siya makuntento sa karelasyon niya ngayon? Well-provided naman siya. Bakit pina-private message niya ang boyfriend ko? Ganito rin ginawa niya sa mga nauna, eh. Heto na naman siya? Pinabasa ng boyfriend ko kaya nakakaloka siya!” kuwento sa amin ng dramatic actress.

E, type ba naman ng boyfriend niya ang aktres? “Hindi kasi alam niya ang image.”

‘Yun naman pala, e, di tapos na ang isyu sabi namin sa kausap naming aktres.

Bakit nga ba hindi pa magtino ang aktres na ito gayung maganda na naman ang buhay niya ngayon at may boyfriend na rin siya kaya sana makutento na siya at hindi na nanggugulo.

Read more...