Horoscope, Aug. 28, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Liliwanag ka ng kakaibang sinag kaya sa araw na ito mangingibabaw ang iyong sarili. Ikaw ang magiging isa sa pinakamagaling at pinakamapalad na nilalang. Gamitin ang mga suwerteng iyong matatanggap sa pagawa ng kabutihan, upang tuloy-tuloy at lalo pang bumhos ang mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Mabilis na pagbabago sa takbo ng buhay ang magaganap, magugulat ka dahil sa araw na ito yong mga problema at dating kamalasan ay biglang magiging isang malaking oportunidad ng pagkakaperahan at oportunidad upang ikaw ay suwertehin sa buhay. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Bagong kortina ang dapat ikabit sa inyong bahay. Tiyaking ito ay may disenyong bulaklakin, guhitan o kaya’y bilog-bilog. Ang mga hugis na ito ang hahatak ng mas marami pang pera at masayang pag-ibig. Mapalad ang 3, 17, 2, 18, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Violet at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kung nais magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at aspetong pang materyal, ituloy ang pagsusuot ng silver na singsing. Upang lalo pang lumakas ang bisa nito, lagi mong punasan ang silver na singisng para laging makislap at kumikinang. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Kuru-Om.” Bukod sa silver ang white ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa sariling diskarte at pagsisikap magagawa mo ring umunlad. Mapalad ka sa kaibigang Scorpio at Virgo, sila ang tutulong sa iyo upang ganap mong maipakita sa lipunang iyong ginagawalan ang kakaiba mong talent at skill. Mapalad ang 2, 7, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Uso ang sakit ngayon. Umiwas makipagdaldalan sa mga taong mataas na payat, sila ang may dalang mikrobyo. Umiwas ka rin sa mga sulok-sulok na madidilim, dito limilipad-lipad ang mga lamok na may dala ng kakaibang sakit. Sa pag-ibig panatilihin ang regular na pakikipag-sex, regular na pakikipag-date at laging maging in love sa minamahal, upang lalo pang lumakas ang inyong immune system . Mapalad ang 1, 4, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Om.” Gold at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May malakin tagumpay na makakamit. Sundan pa ng sundan ang mga gawaing napagtagumpayan, upang tuloy-tuloy ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig tuloy ang maalab na relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Beige at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kangkong, malungay, saluyot, okra at iba pang berdeng gulay ang dapat mong kainin sa araw na ito. Nakatipid ka na, mas lalo pang gaganda at se-seksi ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Haram-Om”. Blue at apple green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung patuloy pa rin ang bulilyaso at kapalpakan, mas mabuting ilipat ang pinto sa silangan. Kapag nagawa mo yan, tiyak ang magaganap, may masayang pag-ibig na darating at malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Mapalad ang 7, 17, 29, 39, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sarvasaya-Jivanna.” Red at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang mas mabilis na lumago ang kabuhayan, pumunta sa kapatagan at sa lugar na maraming tao, hindi dapat manatili sa liblib at tahimik na lugar. Sa pag-ibig, iwasan muna ang seryosong relasyon ipriority ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 12, 22, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ibat-ibang intriga ang masasagupa, lumayo sa kasamang pandak at pahaba ang hugis ng mukha, siya ang magpapahamak sa iyo. Magdidikit sa kaibigang bilugan ang mukha. Siya ang magbibigay ng suwerte at masayang pag-ibig. Mapalad ang 5, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Tugtuging nakaka-aliw at iba pang nakaka-entertain na bagay ang dapat pag-ukulan ng panahon. Kailangang mag-libang bago tuluyang igupo ng kalungkutan. Sa pag-ibig makipagkita sa isang kabigang Virgo. Mapalad ang 4, 18, 27, 31, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Laging umasa sa biglang suwerte, sapagkat ito ang panahong masusungkit mo na ang napakalaking buenas na ibibigay sa iyo ng langit ng walang kahirap-hirap basta’t wag ka lang mangawit na katitingala at kahihiling sa nasa itaas. Sa pag-ibig, sa pagpasok ng buwan ng Setyembre muling iinit at mag-aalab ang pakikipag-relasyon at ang romansa. Mapalad ang 4, 18, 29, 36, 40 at 48. Mahiwag mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om” Green at orange ang buenas.

Read more...