IRR sa service charge na ipapamahagi sa mga empleyado minamadali

OBLIGADO nang ipamahagi sa mga empleyado ang service charge sa mga restaurant, hotel at iba pang kaparehas na establisimento
Minamadali na ang pagbalangkas sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11360, isang nilagdaang bagong batas na nag-aatas sa restaurant, hotel, at iba pang kaparehong establisimento na buong ipamahagi ang service charge sa kanilang mga rank-and-file at supervisory employees.
“May 90 araw kami upang buuin ang IRR ngunit hindi kinakailangang gamitin ang lahat ng ito, bagkus umaasa na agad itong maipalalabas upang ang mga manggagawa sa hotel at restaurant ay matanggap ang kanilang insentibo para sa kanilang pagtatrabaho at pagbibigay ng serbisyo,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III.
Inaamyendahan ng batas na nilagdaan ng Pangulong Duterte ang Article 96 ng Labor Code, na nagbibigay lamang sa manggagawa ng 85 porsiyento sa mga kinolektang service charge samantalang ang natitirang 15 porsiyento ay para sa management.
Sa ilalim ng bagong batas, ang lahat ng service charge ay dapat ipamahagi nang buo at pantay-pantay sa mga sakop na manggagawa maliban sa managerial employee.
Ang batas ay isang paraan upang ang mga manggagawa sa hotel at restaurant ay patuloy na magbigay ng kalidad na serbisyo, gayundin upang bigyan sila ng simpleng pabuya para sa kanilang pagsusumikap
Inaatas din sa bagong batas ang pagtatatag ng grievance mechanism upang resolbahin ang anumang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng empleyado
at management sa pamamahagi ng service charge.

Tatanggapin nang buo ng manggagawa ang pantay na paghahati mula sa buong koleksyon ng service charge 15 araw matapos maipalathala ang IRR sa pahayagan.
###AbegailDeVega/gmea
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...