Sigaw ng netizens: Gerald sabihin mo sa nanay mo manahimik na lang, wag kami!

GERALD AT EVANGELINE ANDERSON

AS the heat which emanated from the controversial Bea Alonzo-Gerald Anderson begun to simmer down, the actor’s mom made a too-late-the-hero comment against her son’s former girlfriend.

Evangeline Anderson, trying to lambast Bea, said, “Alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya.”

But sadly, that statement boomeranged on her as she was torn into smithereens by netizens who took turns in lambasting her. Wala halos kumampi sa nanay ni Gerald, kaliwa’t kanang upak ang kanyang inabot.

“Trying to salvage what’s barely left of Gerald’s integrity as a human being. Know that this won’t help us change our minds. Rest na lang muna tayo mommy. Magulo dito.”

“Hay nako kaya naman pala natulak din si Gerald magloko dahil sa pangongontra mo mother.”

“Minsan sa sobrang choosy ng nanay para sa anak nila sa walang kwenta babagsak or hindi deserve ng anak. Let’s see po. Karma ata tawag pag nangyari.”

“Mader bakit kapa pumasok sa eksena, alam mo naman ganyan talaga ang buhay ng artista na ang relasyon parang laro2x lang dapat tumahimik ka na lang, ngayon hindi magtagal lalaos din anak mo ngayon nga umpisa na, sayang madaming nag iidolo sana sa anak mo.”

“Gusto kasi palabasin ng nanay ni Gerald, na si Gerald ay hindi babaero. Kung mapapaniwala nila ang tao, na ayaw niya kay Bea, lalabas na napilitan lang si Gerald na sumunod sa ina. Lalabas, masunuring anak si Gerald at mapagmahal sa ina. Wow, ang lawak ng palayan. Gerald sabihin mo sa nanay mo, iba nalang lokohin nya, wag ako.”

“Susme si mader nakisali na. Bakit gusto kaba ni Bea? Momshie pag nagkamali sa ibang tao ang anak mo, imbis na itama mo kukunsintihin mo pa. Kaya pala ganyan siya me nanay na konsentidora.”

May isang netizen naman ang nagtanggol sa nanay ni Gerald who said, “Nanay siya, nasasaktan siya para sa anak niya. I believe na karapatan niyang magsalita para kay Gerald. Makareact naman yung iba diyan parang mga perfect. She’s just defending her son. May magulang din naman kayo.”

Read more...