Jersey No. 3 nina Julia at Gerald sa All-Star Games nilagyan ng malisya

JULIA BARRETTO AT GERALD ANDERSON

LUMIKHA na naman ng ingay sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa All-Star Games ng ABS-CBN na ginanap sa Araneta Coliseum last Sunday.

Binigyan kasi ng malisya ng ilang netizens ang jersey number ng dalawa na parehong number 3 na isang matapang na “statement” mula sa dalawa base na rin sa litratong kumalat sa social media.

Para na rin daw kinumpirma ng dalawang Kapamilya stars ang kanilang relasyon at mukhang isa rin ito sa paraan nila para ibandera sa madlang pipol na hindi na sila affected sa panglalait at pamba-bash sa kanila ng mga tao.

Pero mabilis na nilinaw ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto na walang ibig sabihin at nagkataon lang ang number 3 sa jersey ng anak at ni Gerald.

Pahayag ni Marjorie, “Let me correct this before the story gets big and out of hand again. Number 3 has always been Julia’s jersey number since her high school volleyball varsity days. No special meaning.”

Si Julia ang tumayong team captain ng kanyang grupo na lumaban sa volleyball match para sa All-Star Games. Natalo sila sa team ng ex-girlfriend ni Gerald na si Kim Chiu.

Ang team naman ni Gerald ang nag-champion sa basketball match. Nakasama rin ang binata sa Mythical Five.

Read more...