Back to work na si Lovi Poe after ng anim na buwang pagbabakasyon sa Amerika. Siyempre, nakasama niya roon ang kanyang rumored boyfriend na nagngangalang Montgomery Blencowe, isang film producer.
“I just took a break from work. Nagpapasalamat po ako siyempre sa GMA for giving me the opportunity to replenish my soul as an artist and as a person and study my craft as well,” pahayag ng dalaga sa panayam ng GMA.
Next week, magkakaroon ng meet and greet si Lovi sa Canada hatid ng GMA Pinoy TV. Makikisaya rin siya sa Fiesta Filipino 2019 sa Calgary at sa Food Trip 2019 sa Winnipeg.
“I’m currently shooting The Annulment with Joem Bascon and another one with Marco Gumabao and Tony Labrusca (Between Goodbyes),” aniya pa.
Sa tanong kung totoo bang nagka-lovelife siya sa US, “Siyempre, yeah, happy naman ako in that aspect.”
Long distance relationship ang peg ni Lovi at ng bao niyang inspirasyon kaya, “Let’s see how it goes, I’m just very happy where I am now.”