Dekada 90 nang sumikat sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E sa larangan ng komedya. Huli silang nagsama-sama sa 1997 blockbuster film na “Si Mokong, Si Astig At Si Gamol.”
After two decades, ipatitikim naman nila sa millennial viewers ang brand ng comedy nilang pumatok sa kanilang Gen X fans sa pamamagitan ng reunion film nilang “Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo” under Viva Films, directed by Al Tantay.
Pero sa mga past movie nila, present palagi ang mga sexy stars na kanilang nilalandi. Kaya naman hindi pa rin mawawala ang mga nagseseksihang babae sa muling pagsasama ng tatlo sa isang sexy-comedy film.
And this time, ang lalandiin nina Janno, Dennis at Andrew ay sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda at Vanessa Wright, huh!
MOST READ
LATEST STORIES