Daniel payag na bang pakasalan ni Karla ang mystery boyfriend?

KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

Nilantad na ni Karla Estrada ang pinakatagu-tago niyang karelasyon sa publiko. Buong ningning na nakipag-piktyuran si Karla kasama ang rumored boyfriend niya sa second anniversary ng resto ng anak niyang si Daniel Padilla.

Inamin ni Karla na masaya ang kanyang lovelife. At mukhang finally ay approved na kay Daniel ang mystery guy ni Karla kaya naging open na siya na ibandera ang hinuhulaang boyfriend niya ng isa sa Magandang Buhay host.

Ayon kay Karla, ever since naman daw ay supportive ang mga anak niya sa kanyang pakikipagrelasyon.

Never naman daw kasi siyang “nagkalat” na ang ibig niyang sabihin ay kung kani-kanino na lang siya nakikipagrelasyon at nadawit sa mga iskandalo.

Sa paglantad ng mystery guy sa buhay ni Karla, ibig kayang sabihin nito ay tanggap na ni Daniel ‘yung lalaki at papayag na rin kaya siya na magpakasal ang kanyang ina?

Sa huling panayam kay Daniel sa Magandang Buhay ay umiiwas siyang mapag-usapan ang tungkol sa lovelife ng kanyang ina.

Much more kapag natatanong siya kung papayag ba siyang maikasal na si Karla sa karelasyon.

This time kaya ay napapayag na ni Karla si Daniel na magpakasal sa paglantad ng mystery guy sa buhay niya? Or nagkaroon ng deal ang mag-ina pagdating sa usapin ng pag-ibig?

Tanda pa namin na isa sa mga wish kay Karla ng mga kaibigan at kasama niyang hosts sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay ang maikasal na ang ina ni Daniel.

For sure, matagal nang kilala nina Jolina at Melai ang mystery guy ng nanay ni Daniel kaya ‘yan ang naging wish nila kay Momshie Karla.

At malamang, isang bonggang episode ang gagawin ng Magandang Buhay para sa BIG REVEAL ni Karla tungkol sa kanyang boyfriend. Winner tiyak ang episode na ‘yan.

Read more...