Moon Geun Young, Kim Sun Ho bibida sa ‘Catch The Ghost’

MOON GEUN YOUNG AT KIM SUN HO

Nakatakdang mapanood ngayong Oktubre ang bagong Korean drama na Catch The Ghost na pinagbibidahan nina Moon Geun Young at Kim Sun Ho.

Kuwento ito ni Yoo Ryeong (Geun Young) na naging police investigator para mahanap ang kanyang twin sister.

Magiging ka-partner ni Yoo Ryeong as kuwento si Go Ji Seok (Sun Ho).

Nakilala si Geun Young sa kanyang mga K-series na A Tale of Two Sisters (2003); My Little Bride (2004); Innocent Steps (2005) at Painter of the Wind (2008). Bumida rin siya sa Goddess of Fire (2013) at The Village: Achiera’s Secret (2015).

Kabilang naman si Sun Ho sa Two Cops (2017) at Strongest Delivery Man (2017).

Unang itinakda ang showing ng Catch The Ghost ngayong Agosto, bagamat iniurong sa Oktubre. Una munang mapapanood ang The Great Show ni Song Seung-Heon.

Read more...