Lalaki napatay matapos patayin sa saksak ang step-son,  kapitbahay sa  Las Piñas

NAPATAY ang isang lalaki sa Las Piñas City matapos na pinatay sa saksak ang kanyang step-son at kapitbahay, Lunes ng hapon.

Kinilala ng Las Piñas Police ang suspek na si Renan Fulgencio na pumatay sa kanyang 16-anyos na step-son na si
Reniel Nonato at 35-anyos na negosyanteng si Danilo Bilog sa Barangay CAA.

Iniulat ng pulisya na sinasaksak ni Fulgencio si Nonato sa loob ng kanilang bahay bago natiyempuhan si Bilog.

Tinangka ni Bilog na tumakas bagamat naabutan siya ni Fulgencio at pinagsasaksak bago bumalik sa kanyang bahay.

Inakala ng mga pulis na buhay pa ang ampon at unang iniulat na ito ay isang kaso ng hostage-taking kung saan tinangka pa nilang makipagnegosasyon kay Fulgencio para sumuko.

Nang aarestuhin na si Fulgencio, inatake ng suspek ang mga pulis, dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad, dahilan ng kanyang pagkamatay.

Natagpuan ang bangkay ni Nonato sa loob ng kanilang bahay.

Dinala naman si Bilog sa kalapi na ospital bagamat idineklarang dead on arrival.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo ng pagpatay, bagamat selos ang sinasabing dahilan.

Nagselos umano si Fulgencio sa naging aksyon ng kanyang misis, bagamat wala nang detalyeng ibinigay.

Read more...