Maymay: Hindi kami ikakasal ni Edward, bawal pa
In fairness, patok na patok sa madlang pipol ang kauna-unahang vlog entry ng Kapamilya young actress na si Maymay Entrata.
Yes, pinasok na rin ng dalaga ang mundo ng vlogging at para sa kanyang first video nakasama rin niya ang ka-loveteam na si Edward Barber.
Sinagot ni Maymay ang ilang tanong mula sa MayWard fans kabilang na ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Edward.
“Gaya ng pangako namin sa inyo ay nag-tweet ako sa inyo na mag-send kayo ng random questions at ngayon ay sasagutin namin ang mga katanungan kaso pili lang.
“Kasi halos lahat ng tanong niyo kasal, kasal, kasal. Hindi namin kami ikakasal. Diyos ko Lord! Kasi bawal pa bata pa kami, siyempre,” ang simulang pahayag ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 big winner.
Ang first vlog entry ni Maymay ay kinunan pa sa Japan kung saan nagbakasyon ang dalaga kasama si Edward at ilang taong malapit sa kanya.
Ipinakita rin sa vlog ng dalaga ang pagkain ng MayWard ng iba’t ibang produkto na ibinebenta sa local convenience stores sa Japan, including beef yakiniku with rice and onigiri and chicken karaage.
Pinaalalahan naman ni Maymay ang kanyang mga followers and subscribers na hangga’t maaari ay bawal ang nega sa kanyang vlog, “This is for all Mayward fans. Stay positive and just spread love and happiness. Bawal ang nega.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito, umabot na sa mahigit 160,000 subscribers ang YouTube page ni Maymay na “Happy Maymay.”
In fairness, nakaka-good vibes naman talaga ang tambalang MayWard, wala tayong nababalitaang kanegahan about them.
Sila ang pwedeng tawaging perfect example ng mga kabataan na dapat tularan. Sana lang hindi sila magbago at manatiling humble sa kabila ng kasikatang tinatamasa ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.