Anne hinamon ni Wacky Kiray sa ICSYV

WACKY KIRAY AT ANNE CURTIS

Nagpasabog na naman ng good vibes ang favorite tambayan ng madlang pipol tuwing Sabado nights, ang I Can See Your Voice.

Hosted by Luis Manzano, naging special guest ng programa si Anne Curtis kasama ang leading man niya sa pelikulang “Just A Stranger” na si Marco Gumabao.

Feeling “reunion” sina Luis at Anne sa nasabing ICSYV episode dahil medyo matagal-tagal na rin silang hindi nagkakasama sa trabaho. Kaya naman umaatikabong kulitan at okrayan ang naganap last Saturday.

Siyempre, nagpakitang-gilas na naman ang TV host-actress sa pagbirit. Talagang nagpasampol siya sa isang bahagi ng programa kung saan kinanta niya ang “Kailan” ng grupong Smokey Mountain.

Hinamon kasi siya ng isa sa mga Sing-vestigator na si Wacky Kiray na ibirit ang “Kailan” pagkatapos itong kantahin ng isa sa mga contestants. Of course, magpapatalbog ba ang nag-iisang dyosa kaya kumasa siya sa challenge.

Tulad ng inaasahan, proud na proud si Anne sa kanyang boses na pinalakpakan naman ng audience. Pero mas lumakas ang palakpakan at hiyawan nang okrayin siya ni Wacky Kiray.

In fairness, talagang inaabangan ng madlang pipol ang I Can See Your Voice kaya naman patuloy itong humahataw sa ratings game tuwing Saturday night.

Read more...