Hangin sa Boracay malaking tulong sa kalusugan ni Kris

BIMBY, JOSHUA AT KRIS AQUINO

MALAKI ang maitutulong sa kanyang kalusugan ng pagbabakasyon ni Kris Aquino sa Boracay kasama ang dalawang anak.

Mismong mga doktor na ni Kris ang nagsabi na maganda sa kanyang health condition ang hanging nanggagaling sa karagatan dahil posible nitong maitaboy ang lahat ng kanyang allergens.

Sunud-sunod ang pagpo-post ng Queen of All Media sa Instagram ng litrato at video nilang mag-iina habang nasa Bora. Aniya, hinding-hindi niya malilimutan ang bonding moments nila roon, lalo na ang sayang hatid ng beach activities sa dalawa niyang anak.

Sa isang IG post, makikita sina Bimby at Joshua na enjoy na enjoy sa iba’t ibang water activities sa Bora. Nilagyan ito ni Kris ng caption na, “Yes, i’m a #swiftie… and yes, i’ll always express my feelings with the songs i use as my background music.

“Thank God, because of my 2 precious reasons to be HAPPY, i’m strong enough, healed enough, and wala nang pakialam enough to be able to choose- I FORGOT YOU EXISTED.

“Nang dahil sa journal app, isang taon na pala. So kung ngayon may pinagdadaanan kayo na feeling nyo sobrang bigat, nakakagalit, nakakaiyak, o nakakadismaya- LIVING PROOF po ako, TIME can be your friend, too… dahil ang lahat- mabuti, masarap, masama, masakit, o mapait- lumilipas at napapalitan ng mga bagong alaala. #freedom.”

Samantala, sa isa pang video na ibinahagi niya, mapapanood ang bonding moments nilang mag-iina sa puting-puting buhangin ng Boracay. Bukod pa rito ang pagse-share ni Kris ng lugar kung saan sila naka-check in.

“Let me just change the month in Green Day’s song to August, perfect background music na… yet the beauty of this place remains breathtakingly magical. Uploading a more complete video later today.

“FYI, my brother has had stomach flu since Sunday, and he was dehydrated and weak yesterday.

Regardless of our last name, kagaya po namin ang maraming mga pamilyang Pilipino: may mga hindi pagkakaunawaan, may mga pribadong kailangan pang ayusin, may kailangan umeffort magpakumbaba at umamin ng pagkukulang.

“Obviously ako po yun, pero higit sa lahat may respeto at pagmamahal sa isa’t isa… a clarification, just more complicated because he doesn’t have a life partner to love and care for him.

“So just praying Noy gets healthier, soonest. i think it’s enough that 1 of us already has many health issues to deal with,” aniya pa sa caption.

Read more...