NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa panganib na dala ng low pressure area na posibleng maging bagyo na bukas.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay nasa layong 675 kilometro sa silangan ng hilagang Guiuan, Eastern Samar o 790 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Kapag naging bagyo tatawagin itong Jenny at agad na itataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga apektado lugar sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES