P121M jackpot walang nakakuha

WALANG tumama sa P121.3 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Linggo.

Hindi tinamaan ang winning number combination na 43-13-10-09-15-17, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nanalo naman ng tig-P147,080 ang pitong mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P1,000 naman ang 818 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 17,439 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Inaasahang aabot sa P126 milyon ang jackpot prize sa bola ng Ultra Lotto sa Martes.

Read more...