Nanay ni Gerald kay Bea: Ayaw kita para sa anak ko | Bandera

Nanay ni Gerald kay Bea: Ayaw kita para sa anak ko

- August 26, 2019 - 12:05 AM

“AYAW kita para sa anak ko!” Yan ang diretsong pahayag ng nanay ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima patungkol kay Bea Alonzo.

Hindi na raw niya matiis na hindi magsalita dahil nasasaktan na siya sa mga naglalabasang kanegahan laban sa kanyang anak mula nang bumandera ang balita na break na ang aktor at si Bea.

Sa interview ng TV Patrol South Central Mindanao sa ina ni Gerald, matapang nitong pinagsalitaan si Bea dahil sa mga pinagsasabi nito sa harap ng mga camera.

“Hindi ka niya binastos kailanman. Kahit hindi niya alam… alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya.

“Ngayon, ito na lang gawain mo sa kanya, binabasura mo ang bata. Lagi mong pinatatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” ang pahayag ni Mrs. Evangeline.

Hindi rin nito pinalampas ang umano’y pakikialam ng make-up artist ni Bea, kung anu-ano raw masasamang salita ang sinasabi nito laban sa anak.

“Isa pa na hindi ko nagugustuhan. Pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko.
“Hindi naman ako puwedeng manahimik sa mga lumalabas na isyu, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV,” aniya pa.

May mensahe rin siya sa itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea na si Julia Barretto na ilang beses nang nagdenay na may relasyon sila ng aktor.

Sabi ni Mrs. Evangeline, “Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita, ‘no. Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi, may edad na rin si Gerald sa ‘yo.
“Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya (kayo pareho),” lahad pa ng nanay ng Kapa-milya hunk.

Kamakailan ay ipinagdiinan ni Julia na wala siyang inahas kay Bea at hindi rin siya nililigawan ni Gerald. Malinis daw ang kanyang kunsensya kaya sana ay tigilan na siya ng mga bashers na patuloy na tumatawag sa kanya ng Anaconda at Valentina.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending