NAGBIGAY ng kanilang saloobin ang mga bida ng “The Panti Sisters” tungkol sa kontrobersyal na isyu ng LGBTQ member na gustong gumamit ng comfort room ng mga babae sa isang mall.
Ang “The Panti Sisters” ay pinangungunahan nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables. They all agree na ‘di na sana umabot pa sa pananakit ang mga pangyayari.
Pagkatapos ng presscon ng kanilang pelikula na isa nga sa official entries sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines ay sinabi namin kay Paolo na aprub kay President Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng sariling CR ng LGBTQ members.
Kinuha namin ang opinyon niya tungkol dito, “I think it’s a happy news dahil kasi para mas makokontrol ang emosyon ng mga tao, ‘di ba? Well, personally for me, dapat kahit saan pwede. Kahit saan mo gusto pwede. Pero kung para sa mas nakararami, kung ito ang mas okey, e, ‘di very good.”
Tinanong namin si Paolo kung saan ba siya pumapasok na CR, sagot niya, “Secret…” kasunod ng malakas na tawa.
Paolo plays Gabriel Panti sa “The Panti Sisters”, ang panganay sa magkakapatid na beki. Si Christian bilang si Samuel Panti at si Martin bilang si Daniel Panti na isang K-Pop girl ang peg sa movie habang baklang “kanal” (bargas, jologs) naman daw si Christian sa movie. May nagtanong kay Christian sa presscon kung paano ang ginawa niyang character study sa role niya.
Pero biglang sumagot si Paolo ng, “Nag-immerse siya sa kanal.” Tawanan naman ang lahat sa pasampol ng TV host-comedian sa mga mangyayari sa pelikula nila.
Sabi ni Christian nagpunta raw siya sa Tondo bilang preparasyon sa kanyang role.
Say naman ng direktor ng movie na si Direk Jun Lana, “Ay, mas riot ‘to kesa sa ‘Die Beautiful.’ Mas nakakatawa. Kita n’yo naman ‘yung cast, ang laki-laki. And then, ‘yung tatlong artistang ‘to kapag nagsama-sama, nakakatawa sila. Minsan nga hindi na kami matapos-tapos sa shoot, e. Nasisira ‘yung mga take namin lalo na ‘to (sabay turo kay Paolo). Kung anu-ano ang binibigay, nababaliw kami!”
Nilinaw din ni Direk Jun na target nilang mapanood ito ng buong pamilya kaya walang intimate sceens ang mga bida sa mga leading man nila sa movie.
“Comedy kasi ‘to. Gusto namin siyempre cross-section ng audience ang makapanood. Maraming pasabog. Maraming sexy scenes pero hindi naman edgy na hindi na mapapanood ng pamilya,” lahad ni Direk Jun.
Tiniyak pa ni Direk na totally different ang mga characters nina Paolo, Martin and Christian sa movie kumpara sa mga past gay films nila, “Sa poster pa lang makikita n’yo na, e. Magkakaiba ang characters nila. And interesting na kapag strikingly different ‘yung characters sa isa’t isa kapag nagsama-sama lalo na kung comedy, riot talaga. Tapos lahat sila mga Urian awardees pa. Kaya ‘yung set namin magaan, masaya dahul buong-buo ang mga characters.”
Hindi lang daw sina Paolo, Martin at Christian ang magugustuhan ng audience kundi pati na ang iba pang members ng cast.
“Even kina Miss Carmi (Martin), Miss O (Rosanna Roces), with John Arcilla, and even the Panti brothers, buong-buo at ibang-iba ang mga characters nila,” lahad pa ni Direk.
Ang “The Panti Sisters” ay mula sa IdeaFirst Company nina Direk Jun at direktor din na si Perci Intalan. Co-producer din nila sa movie ang Blacksheep at Quantum Films.
Kasama rin sa “The Panti Sisters” sina Roxanne Barcelo, Via Antonio, Ali Forbes at Joross Gamboa