Hamon sa mga intrigera: VICE GANDA, KRIS dapat lang parusahan ng ABS-CBN!


Nabanggit na rin lang natin ang My Husband’s Lover na patuloy pa ring namamayagpag sa primetime ng GMA 7, may nagtanong lang sa amin kung may ginawa bang hakbang ang ABS-CBN laban kina Vice Ganda at Kris Aquino na gumamit pa ng social media para purihin at ipaalam sa madla na kahit sila ay nanonood at humahanga sa naturang palabas at mga artistang gumaganap dito?

Kapag daw kasi sa ibang Kapamilya stars nangyari halimbawa ang masangkot directly o indirectly sa mga personalities at shows ng rival networks, eh may anik-anik na pasabi na in the form of a memo o meeting to remind them na parang nag-iiwan ng hindi magandang impresyon ang kanilang ginagawa.

“Bakit parang dedma sila kina Kris at Vice?” ang nagmamaasim na tanong ng aming mga kaibigan.

( Photo credit to google )

Read more...