BAMBOO biglang nabura ang pagiging isnabero at suplado dahil sa THE VOICE


Ang “By Request” concert nina Bamboo at Yeng Constantino kaya ang susunod na may mataas na record sales pagkatapos ng “I-Vice Ganda Mo Ako” concert ni Vice Ganda noong Mayo?

Balita kasi namin ay sold out na ang lower box, upper box at bleacher at patron na ayaw pa raw ipasulat,  hindi namin alam kung bakit.

Samantala, pangarap pala talaga ni Yeng na makasama sa isang concert ang isa sa paborito niyang rakistang si Bamboo at mukhang swak naman sila dahil pareho silang rocker.

At malaking bentahe rin sa concert na kakantahin lahat ni Yeng ang nilalaman ng “Metamorphosis” album niya tulad ng hit na hit na “Chinito” na pinatutugtog sa Gateway cinemas kaya naman nakaka-LSS (last song syndrome).

Ngayong araw ang presscon ng “By Request” at sana’y humarap din sa presscon ang producers ng concert na sina Cornerstone CEO Erickson Raymundo, PBB Unlimited Big Winner Slater Young at Huwag Ka Lang Mawawala leading man na si Sam Milby.

Speaking of Bamboo, marami ang nagsasabi na mas naging masa ngayon ang appeal ng singer dahil sa pagiging mentor-judge niya sa The Voice of the Philippines.

Ayon sa mga nakakausap namin, mas dumami pa ang fans ng rakista dahil mas nakilala nila ang personalidad nito, kumbaga, mas napalapit pa siya sa masang Pinoy matapos niyang ipakita ang ibang side ng kanyang pagiging artist.

Noon kasi, ang tingin kay Bamboo ay suplado, mahirap pakisamahan at hindi marunong tumawa o magpatawa. Pero  pinatunayan nga niya sa The Voice may funny side rin siya at hindi laging seryoso.

( Photo credit to google )

Read more...