KC ibinuking ang fake account ng basher

KC CONCEPCION

Isang body shamer na naman ang sinupalpal ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account.

Mag-post ang dalaga sa IG ng kanyang litrato na kuha habang naglalakad sa Manhattan sa New York. Caption ni KC sa photo, “(Big apple emoji) could not WAIT to get out of my hotel room. I’ve missed you NEW YORK!!! (three stars emohi) #KacecapadesNYC.”

Marami ang nag-comment ng positibo sa kanyang litrato pero may isang basher ang nagsabing, “Good for rainy weather though, but another outfit to hide the excess pounds esply wabbly flabby tummy.”

Hindi ito pinalampas ng anak ni Sharon Cuneta at agad rumesbak. Ibinuking din nito ang fake account ng kanyang body-shamer, “You have 2 followers and a fake profile pic. If you feel so good about body shaming me, you shouldn’t feel the need to HIDE.”

Dahil dito, kinuyog ng followers ni KC ang nasabing basher.

Read more...