MAY pabigote at pabalbas ngayon ang boyfriend ni Miss World Megan Young na si Mikael Daez.
In fairness, bagay pala sa Kapuso hunk ang kanyang bagong look na ruggedly handsome. Humarap sa entertainment media si Mikael para sa launching ng sarili niyang collection para sa ineendorsong underwear brand na Hanford.
Ginanap ang nasabing event sa Nehemiah Center, The Arete Square sa Quezon City, na dinaluhan din ng mga executives ng Hanford.
Nasanay na kasi kaming na clean-shaven looking ang dyowa ni Megan kaya medyo nagulat kami na nagpatubo na siya ng balbas at bigote. Kuwento niya, para ito sa kanyang role sa upcoming family drama series ng GMA 7 na Love of My Life.
Sabi ni Mikael, nu’ng una raw ay ayaw ni Megan ang bago niyang look pero nasanay na raw ito, in fact, mismong ang dalaga ang nagsabi na mas sexy daw ang datingan niya ngayon.
Paliwanag pa niya, “Kinausap ako ng mga GMA executives at sabi nila, ‘Mik, gawa tayo ng bagong look.’
So, may nag-suggest na blonde hair, gray hair, sabi ko, ‘Teka lang, ‘di ko alam kung ready na ko diyan.’
“Pero the thing is, I never grown out my facial hair kaya sabi ko, ‘Sige gan’to na lang muna tayo,’ and true enough, I look very, very different,” aniya pa.
Kailangan daw na medyo may pagkarebelde ang image niya para sa Love of My Life, “Medyo pasaway talaga ‘yung character ko and babalik siya do’n sa pamilya niya after a lot of problems that already happened.”
Makakasama rin sa nasabing serye sina Carla Abellana, Rhian Ramos at Coney Reyes, “Maraming drama right off the bat pa lang, so paano namin maso-solve ‘yung drama na ‘yun, ‘yung problema ng pamilya, at problema ng mga babae na papasok sa pamilya na sina Carla, Rhian, and Ms. Coney Reyes.
So, it’s a very intimate drama, and I’m very excited.”
Samantala, si Mikael na pala ang maituturing na longest Pinoy celebrity endorser ng Hanford. Nagsimula siyang maging ambassador ng nasabing underwear brand noong 2014.
At ngayong taon nga, naglabas na ang Hanford ng sarili niyang underwear line, “I’m amazed na meron akong sariling line and very proud of it and looking forward to give this product to the Filipino people.”
Yes, siya ang nag-design at pumili ng materials para rito, “Nag-uusap lang kami, chika-chika, and naisip lang namin, ‘Hey what if I design my own thing like gusto ko sana may ganitong design sa briefs, may ganitong mga element.’
“And true enough, somewhere down the line naisip namin na why don’t we try this out,” pahayag pa ng binata.
“Last year, we really started developing it, so para sa’kin, sa totoo lang, medyo na-intimidate ako no’ng sinabi nila na, ‘Sige game, gawin na natin ‘to.’ They have to take me to the whole process, so tinuruan ako ng Hanford kung paano gumawa ng underwear from scratch and it was a wonderful process kasi napaka-helpful nila,” dugtong pa ng Kapuso hunk.
The collection is comprised of seven items including boxer briefs, boxer shorts, and compression attire that he designed himself based on his personality, “Bawat design nire-represent ‘yung isang aspeto ng personality ko, from the love of beach, to the love of gaming, to the love of travel, so it’s all incorporated in the collection.”
Sa Sept. 1 na ilalabas sa merkado ang Mikael Daez X Hanford.