ISA ng severe tropical storm ang bagyong Ineng habang papalapit sa Batanes na kamakailan ay niyanig ng malakas na lindol.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kung hindi magbabago ang bilis at direksyon ay nasa labas na ng bagyo sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 500 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Sa Sabado ng umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 140 kilometro sa hilaga ng Basco, Batanes. Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.