HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagkakausap sina Charice at Mommy Raquel, at isa sa mga ipinagdarasal araw-araw ng international singer ay ang matanggap na ng kanyang pamilya ang kanyang tunay na kasarian.
Kahapon, bumisita si Charice kasama ang girlfriend na si Alyssa Quijano sa Philippine Daily Inquirer for an exclusive one on one interview, at maswerte tayong naimbitahan para makachikahan ang magaling at premyadong singer.
Sey ni Charice, hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating din ang araw na mabubuo muli ang kanyang pamilya. “Siyempre, po, family ko sila, at alam kong hindi magiging kumpleto ang pagkatao ko at ang kaligayahan ko kung ganito kami.
Pero binibigyan ko po sila ng sapat na panahon para makapag-isip, hindi ko sila pipilitin, and I know, one day, darating din ‘yun,” sey ni Charice.
May chika na ayaw nang tanggapin ng kanyang nanay at kapatid ang ibinigay niyang sustento, pero tumanggi na siyang magpaliwanag tungkol dito.
Basta ang sabi niya, hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang pamilya lalo na kapag nangailangan ang mga ito.
Tinanong namin si Charice kung may mga pangit na nangyari matapos siyang umaming tomboy, o mas marami pa rin ang magagandang resulta?
“Siyempre hindi naman maiiwasan na may negative na reaksiyon ng ibang tao, alam na naman nating lahat sa personal life ko kung ano ‘yung hindi pa okay, ‘yung sa family ko nga, pero thankful ako na mas nangingibabaw pa rin ‘yung mga positive, ‘yung mga good things na nangyayari,” tugon ng singer.
E, ‘yung sa inyo ni Alyssa, may nagbago ba sa relasyon n’yo? “Happy ako kasi yung reaction ng mga tao kapag magkasama kami, nandu’n yung respect, nakakatuwa nga, sobrang nakaka-proud.
For example, may mga magpapa-picture sa akin, parang sila pa ‘yung nahihiya sa kanya. Ganu’n, ang cute. Mapi-feel mo naman kasi ‘yung pakikitungo nila kung totoo o kaplastikan lang.”
Tungkol naman sa pagsabak niya uli sa acting matapos ang maikling role niya sa Glee at sa isang Hollywood movie kasama si Salma Hayek, “Acting? Yes, gusto ko pa rin, pero aside from sa role na estudyante, gusto ko talaga ‘yung interesting role, more mature, halimbawa sa horror (tawanan talaga kami). Uy, seryoso ako, ha!
“Itsura ko kasi parang nagdyo-joke, pero serious ako. gusto ko ako yung nananakot at nanghahabol. Gusto ko yung baliw-baliwan ako. Like ‘yung sa ‘Texas Chainsaw Massacre’, ganu’n! Mas magiging markado kasi sa tingin ko kung ganu’n ang gagawin ko.
Gusto ko ring mag-try sa indie films. Bold? Gusto n’yo? Try natin ‘yan. Ha-hahaha! “Hindi, gusto ko ‘yung talagang nangyayari sa tunay na buhay. Not necessarily gay role, pero halimbawa, merong ganu’n, why not? But I really want to be a part of a movie about bullying, feel ko ‘yun,” chika pa ni Charice.
Nabuksan din ang issue tungkol sa pagkamatay ng Glee actor na si Cory Monteith na nakasama niya sa nasabing Hollywood musical series. Na-shock din si Charice sa biglaang pagpanaw ng aktor kaya dapat daw ay magsilbing aral ito sa mga celebrities na gumagamit ng drugs.
“Like what happened din kay Amy Winehouse (international singer), di ba? Parang may drugs issue rin. So, nagpe-pray ako sa mga medyo bata pa na nababalitaan kong nagda-drugs, and sana kung sino man sila, sana try to avoid, actually, don’t try, do it, iwasan na. Wala ka nang magagawa once na nandu’n ka na.”
Tinanong uli namin siya kung naisip ba niyang mag-try lalo na nang dumating ang mga pagsubok sa buhay niya? O may mga nag-influence sa ‘yo na mag-try? “Polbos lang! Chos! Hindi talaga.
Pero siyempre, nandu’n talaga ‘yung pagkakataon na nade-depress ako, stressed, but never kong naisip na gumamit nu’n.”
“Siguro kasi, ang swerte ko lang, kahit na nu’ng nasa States ako, marami akong mga kaibigan.
And I’m lucky na lahat sila okay, depende rin kasi sa mga taong nakapaligid sa ‘yo, e. Swerte ako lahat ng friends ko, walang bisyo. They’re not into it. Pero again, ikaw lang din ‘yun, naas control mo na ‘yun, kasi ikaw ‘yan, sarili mo ‘yan.”
Abangan ang iba pang chika ni Charice sa Philippine Daily Inquirer at sa aming radio show na “Kliq Showbiz” sa Radyo Inquirer 990 AM.
( Photo credit to google )