Maymay nag-audition sa New York Fashion Week 2020

MAYMAY ENTRATA

NAG-AUDITION pala si Maymay Entrata para sa New York Fashion Week 2020.

Nanggaling ang information mula mismo sa publisher-friend ni Maymay na si Josh Yugen na nasa Dubai. Si Josh ang publisher ng Xpedition Magazine.

Itsinika ni Josh sa kanyang Instagram story ang pag-audition ni Maymay sa New York Fashion Week.

“I know you were a bit nervous, but I think you nailed it I can’t wait for the result of your audition,” say ni Josh.

“Kahit ano pong mangyari all Glory to God! Maraming salamat po Sir @josh_yugen Ms. @furneamato,” sagot naman ni Maymay.

Si Josh ang nag-mentor kay Maymay sa kanyang unang international fashion show, ang Arab Fashion Week 2018 which went viral. Talagang pinag-usapan si Maymay at naging bahagi pa siya ng isang feature sa isang international magazine dahil sa kanyang pagrampa.

Read more...