Madlang pipol galit na galit sa pagkampi ni Bato kay Sanchez: Wag palayain ang rapist at murderer!

RONALD “BATO” DELA ROSA AT BIANCA GONZALEZ

Bilib kami sa TV host na si Bianca Gonzalez.

Super aware si Bianca sa nangyayari sa bansa, the latest of which ay ang napipintong pagpapalaya sa convicted rapist and murderer na si Mayor Antonio Sanchez

On her Twitter account, pinangunahan ni Bianca ang petition para hindi matuloy ang planong papapalaya kay Mayor Sanchez.

“Sign the petition to stop the Release of Mayor Antonio Sanchez; Let Him Serve His Seven Life Sentences,” she tweeted.

“Mas madami namang ibang deserving ng second chance. yung nagnakaw ng cellphone o delata para may pangkain ang pamilya niya.. madaming kasong ganun sa kulungan. di hamak na mas deserving sa second chance kumpara sa proven guilty na rapist at killer,” tweet niya patungkol sa sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dapat bigyan ng second chance si Mayor Sanchez dahil nagbago na ito.

“Batang grade school ako nung nakita ko yun sa balita and same reaction. dun ko naramdaman at nakita na may kasamaan pala sa mundo,” dagdag pang tweet ni Bianca.

Ang daming kumampi kay Bianca.

“Yes wag payagan na bigyan ng parol yan mas madaming deserving na nakulong na napagbintangan o ung maliliit na kaso lng na nagbago talaga.”

“I’m disapppointed for what Sen. Bato is saying. No rapist or murderer deserve a second chance.”

“Ano na ba nangyayari sa earth? Palayain na lahat ng nakakulong kung ganun pla ka deserve nila magkaroon ng second chance! Such a disappointment Sen. Bato!!!”

“The life of The victim don’t have a second chance. Why these criminal have one?”

Read more...