Napanood na namin ang “Just A Stranger”, at para sa amin ito na ang pinakamagandang pelikula ni Anne Curtis at dito niya pinatunayan ang kanyang versatility as an actress. Sabi nga namin, hindi malayong humaok siya ng best actress award sa susunod na awards season dahil sa galing ng akting niya sa movie.
Ito rin ang most daring at pinakapalabang role ni Anne pagdating sa love scene at halikan. Talagang nakipagsabayan siya nang bonggang-bongga sa pagiging hot ni Marco Gumabao na buong-tapang na nagpakita ng kanyang pwet sa pelikula. Comment nga ng ilang beki na nakapanood na ng “Just A Stranger”, parang pwet daw ng baby ang butt ni Marco – ang kinis-kinis at ang parang ang lambot-lambot.
Showing na ito sa mga sinehan ngayon mula sa Viva Films.