Erwan sa bashers ni Anne: I’m the husband and I know how I feel

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

HINDI man aminin nang diretso ni Erwan Heussaff, mukhang na-bad trip ang asawa ni Anne Curtis sa mga epal at nagdudunung-dunungan na netizens.

May mga namba-bash kasi kay Anne dahil sa ginawa nitong sex scenes at pakikipaglaplapan sa pelikulang “Just A Stranger” kasama ang Kapamilya hunk na si Marco Gumabao.

Ilang social media followers naman ng TV host-actress ang nag-comment na parang hindi naman daw niya nirespeto ang asawa dahil pumayag pa itong gawin ang mga nasabing eksena sa pelikula kung saan mas bata pa ang kanyang kapareha.

Hindi na siguro nakapagpigil si Erwan sa mga haters and bashers kaya sinagot na niya ang mga ito. Aniya, nirerespeto niya ang trabaho ni Anne at walang problema sa kanya kung makipag-love scene ang kanyang misis sa partner nito.

“Hilarious comments. Last I checked, I’m the husband and I know how I feel (which is completely fine by the way, thanks for asking).

“So no need to throw around words like disrespect or dictate what a person should or shouldn’t do after getting married. I’ve known my wife as an actress, since day 1 and I have the utmost admiration for what she does. End of story,” ang pahayag ng sikat na chef-vlogger.

Hindi rin daw siya naiilang kapag pinanonood ang sexy films ni Anne tulad ng “Just A Stranger”.
“I don’t feel awkward or uncomfortable when watching these movies (you guys commenting make it awkward), I actually actively gave Anne inputs when I read the script on how I think the story could be developed or portrayed,” pagtatanggol pa nito sa kanyang asawa.

Dagdag pa ni Erwan, “So, let’s stop talking about marriage like it needs to change people. Most successful marriages I know are those where both parties kept their identity intact and grew as a couple.

“Also, let’s not be sexist people, if this was a married guy actor doing love scenes, no one would have any issue with it,” hirit pa nito.

Napanood na namin ang “Just A Stranger”, at para sa amin ito na ang pinakamagandang pelikula ni Anne at dito niya pinatunayan ang kanyang versatility as an actress. Sabi nga namin, hindi malayong humaok siya ng best actress award sa susunod na awards season dahil sa galing ng akting niya sa movie.

Ito rin ang most daring at pinakapalabang role ni Anne pagdating sa love scene at halikan. Talagang nakipagsabayan siya nang bonggang-bongga sa pagiging hot ni Marco na buong-tapang na nagpakita ng kanyang pwet sa pelikula. Comment nga ng ilang beki na nakapanood na ng “Just A Stranger”, parang pwet daw ng baby ang butt ni Marco – ang kinis-kinis at ang parang ang lambot-lambot.
Showing na ito sa mga sinehan ngayon mula sa Viva Films.

Read more...