Sotto: May penis ka? Sa CR ka ng lalaki | Bandera

Sotto: May penis ka? Sa CR ka ng lalaki

- August 22, 2019 - 08:19 PM

TITO SOTTO

MAY simpleng solusyon si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa debate kung papayagan o hindi ang mga transgender na gumamit ng comfort room ng mga babae.

“You have a penis, then go to the men’s restroom,” sabi ni Sotto.

Ito ang ginamit ni Sotto bilang argumento laban sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill, na aniya’y maaabuso lamang.

“Kitang-kita ngayon pa lang eh,” sabi Sotto.

Idinagdag ni Sotto na inirereklamo na ng mga kababaihan ang ga transgender na gumagamit ng CR ng babae.

“Inside the ladies’ restroom, he said, transgender people reportedly talk about their genitals and even show each other how they cover it,” ayon pa kay Sotto.

“But when straight people call them out, transgender people would threaten to take a video to make it appear that they are being discriminated,” ayon pa kay Sotto.

Inihalimbawa pa ni Sotto ang paggala-gala ng isang transgender sa comfort room ng babae sa Senado na tila nagpapapansin.

“Meron daw transgender kanina dyan na iista-istambay lang dun, nakaupo lang daw dun, ewan ko parang nag-iintay na magkaroon ng issue na paalisin siya or something; eh meron namang bi-gender toilet dito sa 2nd floor kasama nun sa PWD na toilet dito,” sabi ni Sotto.

“Aba eh ano ginagawa mo dun? Di ba naghahanap ka lang ng gulo. But I already told the Sergeant-at-Arms to get rid of him,” ayon pa kay Sotto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Idinagdag ni Sotto na walang pag-asang lumusot ang Sogie bill sa Senado. “If it transgresses on academic freedom, religious freedom and women’s rights.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending