Mark Herras-Nicole Donesa status: ‘In a relationship’

MARK HERRAS AT NICOLE DONESA

Kinumpirma na ng Kapuso star ang relasyon nila ng aktres na si Nicole Donesa. Na-develop ang dalawa sa serye nilang Bihag.

Sa Instagram, ibinandera ni Nicole na officially “in a relationship” na sila ni Mark with matching sweet photos nila na kuha sa set ng nagtapos na GMA series.

Aniya sa caption “Na Bihag” siya ng Kapuso actor.

Sa Facebook naman ni Mark, ipinost din niya ang litrato nila ng aktres kung saan nakalagay din sa kanyang status ang “officially in a relationship”.

Read more...