Hugot ni Anne sa ex-dyowa: Siya ang unang nag-cheat gumanti lang ako


NAGPAKATOTOO si Anne Curtis sa pagsagot sa tanong kung may pagkakataon na ba na siya ay nag-cheat sa dating karelasyon.

Ito kasi ang tema ng bago niyang pelikulang “Just A Stranger” kasama si Marco Gumabao.

“Noong bata ako parang ganu’n. Hindi ko malaman kung considered cheating siya noon, lalo na kung hindi na kayo, pero kayo. Kaka-break niyo lang, so rocky, gray area kung considered cheating, kung mahal mo pa ‘yung tao… Wala na kayo, pero ‘yung nag-uusap,” pahayag ni Anne.

Hindi na binanggit ng aktres ang pangalan ng kanyang ex, “Basta, siya naman naunang nag-cheat. Gumanti lang ako.”

Pero pagdidiin ni Anne, “any form of cheating will never be right.”

Read more...