Liza naka-recover na sa operasyon; sasabak agad sa bagong serye


GOOD news para sa mga tagahanga ni Liza Soberano: she’s back in full swing.

Ayon sa kanyang manager na si Ogie Diaz, sa susunod na buwan na magsisimulang mag-taping ang young actress ng tatampukang teleserye (still untitled) kasama si Enrique Gil.

Buhat nang dumating siya sa bansa after a series of finger surgeries, Liza had to undergo occupational therapy three times a week.

In between ay abala si Liza in getting the second branch of her Hope Wellness and Spa in Alabang ready for its target opening date.

On her upcoming teleserye, hindi naman siguro kalabisan if one of Liza’s fair demands is that her scenes don’t require as much physical pressure dahil kagagaling nga lang niya sa isang maselang kundisyon.

Also, albeit having totally given up on her Darna role ay natutuwa siya para kay Jane de Leon who she eagerly wanted to treat for dinner. Pero ayon kay Ogie ay hindi pa raw natuloy ang bonding ng “past and present Darnas.”

Meanwhile, ipinatanong namin kay Ogie kung ano ang take ni Liza sa humupa nang Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto brouhaha (as if naman ay mangangahas sumawsaw ang aktres sa isyu).

“Dedma na lang ‘teh,” PM (personal message) sa amin ni Ogie. Oo nga naman, hindi naman “relatable” ang subject to what appears to be a relationship made in heaven between Liza and Quen.

Read more...