Kylie: Nakagawa kami ni Aljur ng anghel

MARUNONG na ring magselos ang panganay na anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na si Alas. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Kylie na tuwang-tuwa sila kapag nagmamaktol dahil sa selos ang anak.

“Naalala ko pa nung nanunuod pa kami ni Aj ng videos nung buntis pa ako, ng mga baby na nagseselos ‘pag nag-ki-kiss ang mga magulang nila.

“Ngayon na-experience namin lalo kami na-in love sa pagiging magulang,” lahad ng Kapuso actress.

“Minsan ‘pag nakahiga na kami at matutulog na, ‘di kami makapaniwala na may bata nang natutulog sa gitna namin.

“‘Can you believe we made him?’ Tinatanong ko s’ya palagi. Sagot lang nya, ‘Oo, nakagawa tayo ng anghel,'” dagdag pa ni Kylie.

Read more...