Arnell may public service show sa IBC 13, pangtapat kay Tulfo

ARNELL IGNACIO

WALANG intensyon si Arnell Ignacio na makipagkumpetisyon sa Tulfo Brothers sa pagkakaroon niya ng public service program sa IBC 13, ang Arnellin In Da House.

“Matatapang sila pero nagtatanong ‘yan. Hindi sila basta nagbibigay ng opinion na siya na ang kikilos. Kumukunsulta sila dahil alam nilang kailangan nila ng guidance,” rason ni Arnell sa presscon ng programa.

Maging si Dingdong Dantes ay kinausap niya tungkol sa docu-drama ni Marian Rivera na Tadhana.

“Kinorek nila. Natuwa ako sa ginawa nila, nagpasalamat ako. Pag sasabihin mong laging kawawa sila, hindi mo sila natutulungan,” saad niya.

Read more...