Janice nadamay sa Gerald-Bea-Julia scandal, ninega ng bashers | Bandera

Janice nadamay sa Gerald-Bea-Julia scandal, ninega ng bashers

Alex Brosas |August 21,2019
facebook
share this

Janice nadamay sa Gerald-Bea-Julia scandal, ninega ng bashers

Alex Brosas - August 21, 2019 - 01:07 AM

Nadamay si Janice de Belen sa issue ni Gerald Anderson kina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Muling naungkat kasi ang rumored romance nila when they did Budoy series, a soap opera where Aling Janice played mom to Gerald.

May lumabas sa isang Facebook site na photo ng dalawa na magkahawak-kamay. Ang daming nag-react na netizens. Iba raw ang bangis ni Gerald na pati si Aling Janice ay pinatulan.

“Teka, yung Pia Wurtzbach at Julia Barretto, gets naman namin kung bakit ka matutukso. Pero talaga ba? Pati kay Tita Janice?”

“Ang tagal na nyan. Binubuhay na naman? Bakit ganyan si Gerald laging buhay? Nag Robust ba yan?”

“Ano kaya mayroon si Gerald nasisira ulo sa kanya ng mga babae lahat gusto siya. Pati matanda pinapatulan.”

“Hindi ko na kinaya ito!!! Malala na si Gerald!!! Pati ba naman si Janice? Pinatulan nadin! Grabe! Kinilabutan na dito! My gohhhsss!”

“Gerald Anderson: can you choose an age demographic and stick to it? Pwede ba? Di yung Janice De Belen ka one day, then Julia Baretto the next.”

q q q

Nakikipag-cooperate daw ang GMA 7 sa investigation ng DOLE sa nangyaring aksidente kay Eddie Garcia.

Pinagtatawanan lang ito ng netizens dahil ang sinasabi nga nilang sarili nilang imbestigasyon ay hindi pa nila mailabas-labas ang resulta gayong ito ay tapos na.

Ang repoprt ng GMA, naibigay na nila sa dyowa at pamilya ni Eddie ang resulta ng kanilang investigation, pero ang tanong ng marami, bakit hindi pa nila ito isinasapubliko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Fully cooperating daw, pero yung resulta ng imbestigasyon nila di pa nilalabas kahit andito na sa pilipinas yung living partner ni manoy. Hanap kayo ng lolokohin niyo gma.”

“Multa pa lang haharapin ng GMA. Pero mababayaran nila yan kasi pinagmumulta nila si Bianca Umali ng 500k dahil nag audition ito sa darna ng star cinema.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending