Anne handa nang mabuntis: Baka this year or next year…

Ready nang maging nanay si Anne Curtis. Ito ang inamin ng TV host-actress sa guesting niya kahapon sa Magandang Buhay. At naniniwala siya na handa na ring maging tatay ang asawang si Erwan Heussaff.

“Feeling ko in God’s time, it will happen. Ayaw kong magbigay ng pressure sa sarili ko or kay Erwan kung kailan mangyayari ‘yon. Who knows baka next year na ‘yan, di ba? It could be this year, next year, we don’t know,” aniya.

Dagdag pa ni Anne, “But let’s just say I think I’m at that age naman na talaga na anytime that it happens ay ready na akong maging momshie.”

Excited din daw si Anne sa pagbubuntis ng BFF at sister-in-law na si Solenn Heussaff sa panganay nila ni Nico Bolzico.

“Of course, I’m excited to be an aunt. Magiging tita ako so I’m very excited for Nico and Solenn. And si Erwan also sobrang excited din kasi siyempe may added family, hindi ba, and may baby,” aniya pa.

Pero bago mabuntis si Anne, panoorin n’yo muna siya sa pelikulang “Just A Stranger” kasama si Marco Gumabao, showing na ito bukas sa mga sinehan nationwide.

Read more...