ABS-CBN BALL 2019 magbibigay ng scholarship sa mahihirap na bata

PATULOY ang pagbibigay tulong ng ABS-CBN sa mga taong nangangailangan sa pagdiriwang nito ng 65 taong pagseserbisyo sa mga Pilipino.
Sa gaganaping ABS-CBN Ball ngayong Sept. 14 sa Shangrila-La The Fort, itutuloy nito ang sinimulan noong nakaraang taon, ang magbigay ng pag-asa sa mga kapuspalad na kabataan, sa pamamagitan ng Bantay Bata 163 Batay Edukasyon program.
Bibigyan ng pagkakataon ang Kapamilya stars at iba pang attendees nito para tumulong sa pagtupd ng mga pangarap ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa naturang ball.
Lahat ng basic needs ng mga bata para sa maayos na edukasyon mula sa kompletong tuition assistance, meal at transportation allowances, school supplies, at ibang fees ay saklaw ng programa.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan din ng counseling at training sa basic life skills sa pamamagitan ng social work intervention ang mga bata at kanilang mga pamilya.
Kasama rin ang values formation at parenting sessions, o ang Resiliency Program na naglalayon tulungan ang scholars malaman ang kanilang strengths at weaknesses; music, arts, at sports programs na magtuturo sa kanila ng kahalagahan ng disiplina sa kanilang buhay; at pati ang isang digital workshop na tutulong din mapalawak ang choices ng mga bata patungkol sa kanilang tatahaking landas.
Sinimulan ng Bantay Bata 163 ang Bantay Edukasyon noong 1998 para makapagbigay serbisyo sa mga na-rescue na mga bata. Simula nang ito ay naitatag, nakabigay na ito ng 6,400 scholarships sa buong Pilipinas.
Ipapagpatuloy lamang ng ball ngayong taon ang matagumpay na nagawa noong 2018, ang pagbubukas muli ng Bantay Bantay Bata 163 Children’s Village, at ang makapagbigay muli ng bagong tahanan ang mga kapus-palad na bata.
Bibigyang-bugay din ngayong taon ang yumaong ABS-CBN Foundation at Bantay Bata 163 founder na si Gina Lopez. Dahil kay Lopez, nakapagsagip ang Bantay Bata 163 ng libo-libong bata mula sa physical at sexual abuse hanggang sa nakapagtayo siya ng Bantay Bata 163 Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan.
Higit pa sa isang shelter at rehabilitation area ang naturang village dahil naging pamantayan na rin ito sa childcare excellence.
Nakalikom ng P5 million ang 2018 ABS-CBN Ball na ginamit para sa construction at rehabilitation ng village, CCTV training para sa social workers, installation ng call at paging system, library, at isang multimedia room.
Mula nang mabuksang muli ang Bantay Bata Children’s Village noong December, 2018, nakapagbigay serbisyo na ito ng 46 na bata. Lima dito ay nakabalik na sa kani-kanilang pamilya habang 41 dito ay namamalagi sa village.
Ilan sa mga malalaking bituin na inaasahang darating sa Star Magic Ball 2019 ay sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angel Locsin at iba pang sikat na Kapamilya celebrities.
Para sa karagdagang updates sa ABS-CBN Ball at ang red carpet nito, bisitahin ang www.abscbnball.com..

Read more...