Ahn Jae Hyeon, Oh Yeon Seo bibida sa ‘People with Flaws’

Nakatakdang magtambal ang Korean heartthrob na si Ahn Jae Hyeon at Oh Yeon Seo para sa seryeng People with Flaws. Kontrobersyal ngayon si Jae Hyeon matapos ang kanyang divorce sa actress na si Ku Hye Sun.

Kwento ang People with Flaws ng guwapo at laging gustong center of attention na si Lee Kang Woo (Jae Hyeon) .

Binasted si Kang Woo ng kanyang nililigawan noong siya’s bata pa kaya simula noon ay naging obsessed na siya sa kanyang appearance.

Gaganap naman si Yeon Seo bilang si Joo Seo Yeon, isang enthusiastic P.E. teacher na ayaw sa mga guwapong lalaki dahil sa kanyang tatlong guwapong kapatid na habulin ng problema dahil sa kanilang looks.

Magtatagpo ang dalawa na laging nagbabangayan ngunit sa huli ay made-develope sa isa’t isa.

Nakilala si Jae Hyeon sa Blood (2015), Cinderella with Four Knights (2016), Reunited Worlds (2017) at The Beauty Inside (2018). Sa Blood niya nakasama ang misis na si Hye Sun na naging daan para sila maging couple at nagdesisyong magpakasal.

Nakilala naman si Yeon Seo sa My Sassy Girl (2017) at Korean Odyssey (2017). Nakatakdang ipalabas ang People with Flaws sa Nobyembre. – Joshua Jazz Lapitan

Read more...