Psychopath Diary inaabangan na

KOREAN word of the week: “Mianhae” – nangangahulugan ito sa Ingles ng “sorry”, samantalang “pawatad” naman sa atin.

q q q

Bibida sa bagong Korean drama na Psychopath Diary sina Yoon Shi Yoon, Jung In Sun at Park Sung Hoon.

Iikot ang kwento nito sa lead character na si Yoon bilang Yook Dong Sik na may timid personality at nagtatrabaho sa isang brokerage company.

Makakasaksi siya ng murder na gawa ng isang serial killer at mapupulot niya ang diary nito.

Sa hindi inaasahang pangyayari, mababangga naman ang kanyang minamanehong kotse ng police officer na si Sim Bo Kyung (Jung In Sun).
Dahil sa banggaan, magkakaroon ng amnesia si Yoom Dong Sik at aakalain niyang sa kanya ang diary at isa siyang serial killer.

Si Park Sung Hoon naman ang gaganap bilang serial killer na si Seo In Woo na nagtatrabaho bilang brokerage director sa kaparehong kompanya ni Yook Dong Sik.

Kabilang sa mga hit series ni Shi Yoon and King of Baking, Kim Takgu (2010), My Cute Guys (2013), Hit the Top (2017), Grand Prince (2018) at Your Honor (2018).

Napanood naman si In Sun sa Naked Fireman (2017), My Secret Terrius (2018) at Welcome to Waikiki (2018) habang si Sung Hoon ay nakasama sa Justice (2018), My Only One (2018), at Rich Man (2018).

Read more...