Duderang misis ni aktor hindi umubra sa wais na aktres

By Cristy Fermin August 21,2019
share this

Duderang misis ni aktor hindi umubra sa wais na aktres

By Cristy Fermin August 21,2019
share this

PINUPURI ng mga impormante ang ginawang hakbang ng isang magandang female personality para hindi siya pagselosan ng misis ng kanyang kapareha sa isang serye.
Kilala sa pagiging selosa at dudera ang misis ng male personality, kahit sino ay inaaway nito, napakatindi ng kanyang insecurity.
Konting kuwento lang na marinig nito ay big deal na, agad na nitong paghihinalaan ang babae na nilalandi ang kanyang mister, ganu’n katinding magselos ang aktres ding misis ng male personality.
Pero magaling ang isang female personality na nakapareha ng mister ng selosang aktres, saludo sa kanya ang marami, dahil ni katiting na selos ay walang naramdaman sa kanya ang misis ng kapareha niyang aktor.
Kuwento ng aming source, “Nagsiguro na talaga si girl! Bago pa nagsimula ang serye nila nu’ng male personality, e, una na niyang kinaibigan si misis! Nakipag-close siya kay misis, alam niya kasi na hindi malayong pati siya, e, pagselosan ng wifey ng leading man niya!
“Kinarir niya ang pakikipagkaibigan sa misis ng guy, nakalusot naman siya, pero sincere ang friendship na in-offer niya kay misis.
“Kaya lang, kasali na rin du’n ang wish niya na sana, e, huwag naman siyang pagselosan ng misis ng leading man niya, kasali ‘yun, siyempre!” unang chika ng aming source.
Sobra naman kasing makapagselos ang female personality na ito, kahit sino na lang ay pinagdududahan nitong nagbibigay ng senyal sa kanyang mister na maging sila, palaaway ang aktres.
“E, di nga ba, ilang girls na ang talagang inaway-away ng babaeng ‘yun? ‘Yung ginawa niya sa isang sexy actress na dinuro-duro pa niya nang harap-harapan, makakalimutan ba ng pinagselosan niyang babae ang ginawa niyang ‘yun?
“Alam na alam ng girl ang mga kuwentong ‘yun, kaya nu’ng malaman niya na siya ang makaka-partner ng male personality, e, gumawa na agad siya ng paraang hindi siya mapagdudahan.
“Effective! Super-effective ang ginawa niyang paraan, hindi nga siya pinagselosan at inaway-away ng wife ng leading man niya! Lusot siya sa pagdududa, as in, ni hindi siya pinagselosan ng girl!
“Na dapat lang naman dahil walang kahit anong gusto ang girl sa pamilyado nang male personality, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang duderang misis na ito ng male personality, aaaawwwwww!!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending