#LOL: Nadine riot ang guesting sa ‘I Can See Your Voice’

RIOT ang guesting ng tinaguriang Multimedia Princess na si Nadine Lustre sa nakaraang episode ng I Can See Your Voice last Saturday night.

Grabe! Mula simula hanggang matapos ang show ay tawa lang kami nang tawa dahil sa batuhan ng punchlines at mga nakakalokang paandar ng mga Sing-vestigators pati na ng host ng programa na si Luis Manzano.

Talagang isa sa mga pampa-good vibes ng madlang pipol tuwing weekend ang I Can See Your Voice dahil wala kang gagawin habang nanonood ka kundi ang mag-laugh lang nang mag-laugh!

In fairness, ang sexy-sexy ni Nadine nang umapir sa stage ng ICSYV with her off shoulder pink top and slim fit jeans. Napa-wow pa nga ang isa sa Sing-vestigator na si Kalad Karen dahil sa ramp model aura ng girlfriend ni James Reid.

Wala ring ginawa si Nadine kundi ang tumawa nang tumawa dahil sa mga kalokahan ng Sing-vestigators lalo na nang makipagkulitan na rin siya kay Bayani Agbayani. Nag-enjoy din si Luis sa dalaga dahil game na game itong nakipag-okrayan sa kanila.

Bumilib din ang madlang pipol kay Nadine sa unang bahagi ng programa dahil natanggal niya agad ang mga seen-tunado sa mga contestants bagamat may ilan din siyang natsugi na tunay na see-nger.

Kaya nga lang sa ending ng ICSYV, nang makipag-duet na sa kanya ang last man standing sa stage na si Neri Monserate, tila nabudol-budol si Nadine dahil magaling lang pala itong mag-lip sync at mag-project dahil isa nga itong certified seen-tunado!

At dahil siya ang napili ni Nadine, sa kabila ng palya at sablay nitong boses, nanalo pa rin si Monserate ng P25,000.

Based on the Korean show of the same title, napapanood ang I Can See Your Voice tuwing weekend ng gabi sa ABS-CBN.

Read more...