NALUNGKOT ang fans ni Kris Aquino nang mabalitang hindi na makakasali ang horror movir niyang “(K)Ampon” sa 2019 MMFF dahil sa pagpapalit ng kanyang leading man.
Dapat sana’y si Derek Ramsay ang partner niya sa pelikula pero pinalitan nga ni Gabby Concepcion.
Ngunit na-technical sila dahil na-late ang pagsa-submit nila sa MMFF organizers ng letter tungkol sa pagbabago sa cast.
Bukod sa mga positive message mula sa kanyang fans, nag-post din si Gabby sa IG ng mensahe para kay Kris na talagang na-sad sa nangyari.
“Kris, the comeback is always stronger than the setback,” sey ng aktor na sinagot naman ni Tetay ng, “You are truly a WONDERFUL person. God blessed me because I got a chance to reconnect with you.”
MOST READ
LATEST STORIES