TATLONG retiradong guro ang nawawala matapos na maapektuhan ng bagyong Hanna ang kanilang biyahe pabalik ng bansa mula sa Estados Unidos.
Nanawagan ang mga kamag-anak nina Linda Varela Guce, Josefina Varela
Baysic, at Pacita Varela De Guzman sa gobyerno upang sila ay mahanap.
Ayon sa pamangkin ng mga nawawala na sina Djoanna Varela ang tatlo ay umalis ng John F. Kennedy International Airport sa New York noong Agosto 9 sakay ng China Eastern Airlines flight MU 298lumapag ang eruplano kinabukasan ng umaga sa Pudong International Airport sa Shanghai, China.
Ang tatlo ay may connecting flight sa China Eastern flight MU 211mula sa Pudong International Airport alas-7 ng gabi at lalapag sa Ninoy Aquino International Airport alas-11 ng gabi.
“Until now, we are in quandary what happened to them. They should have arrived in the Philippines last August 10 or during the early hours of August 12. My aunts visited our relatives in New Jersey and they were there for six months. We appeal to the good heart of our President and to the media to please help us find our missing loved ones,” ani Varela.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga kaanak, hindi lumapag sa Pudong Airport ang eruplano kundi sa Wuhan Tianhe International Airport sa Hubei, China.
Nakigamit umano ng telepono si Guce at nakausap ang kamag-anak na susundo sa kanila sa NAIA. Dito umano sinabi na nakansela ang kanilang flight dahil sa bagyo.
Nang makausap ng mga kaanak ang may-ari ng telepono na si Alzor Tapia sinabi nito na nakita niya ang tatlo sa Wuhan Airport at sa Pudong Airport.
“Same airline kami pero magkaibang eroplono. My plane came from Los
Angeles. Huli ko silang nakita sa Shanghai airport, ibig sabihin nakalipad sila from Huwan to Shanghai. I hope makabalik na sila, ang problema talaga doon language barrier, hindi magkaintindihan dahil hindi sila (Chinese) nagsasalita ng English,” ani Tapia.
Sinabi ni Tapia na inasikaso sila ng China Eastern Airlines at bibigyan ng hotel. Hindi umano kasama ni Tapia ang tatlo sa hotel.
Hindi na alam ng mga kaanak kung ano na ang nangyari sa tatlo at wala ring maibigay na malinaw na impormasyon sa kanila ang China Eastern Airlines kung ano ang nangyari sa tatlo.