Sa panayam ng ABS-CBN kay Kim, sinabi nitong ayaw na niyang makisawsaw sa issue dahil hindi naman siya directly involved dito.
Ex-boyfriend ni Kim si Gerald at naging kontrobersyal din noon ang kanilang paghihiwalay. Naging dahilan pa nga ito para magkasira sila ng kanyang BFF na si Maja Salvador.
“Huwag na tayo sumali doon, kasi lahat naman sila, may pinagdadaanan sila ngayon,” ani Kim sa nasabing panayam.
Dagdag pa niya, “Siyempre, hindi biro ‘yun. Masakit ‘yun. Lahat sila may pinagdadaanang pain, so respetuhin na lang natin ‘yung mga desisyon nila.”
Makalipas ang ilang taon mula nang magkahiwalay sila ni Gerald, naging maayos na rin ang relasyon nila ng kanyang dating boyfriend at ka-loveteam.
Sa katunayan, nagkaroon uli sila ng projects together. Ang huling teleseryeng ginawa nila ay ang Kapamilya drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin na umere noong 2017 at tumagal hanggang 2018.
Marami pa ring fans ang Kimerald hanggang ngayon na umaasang muli silang magkakatambal sa serye at pelikula. Masaya na ngayon ang aktres sa piling ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.